Sabado, Marso 19, 2011

Ako Mula Noon Hanggang Sa Kasalukuyan

ayan  ako nung aking binyag sa Leyte
Ang Talambuhay Ko ( Xyrex A. Paderes )

     Marami ang nagsasabi na ang kabataan ang pinakamasayang yugto ng buhay. Dahil nga tanging bata lang ang walang problema sa mundo at walang ibang inisip kundi ang sasiyahan. Ngunit sa isang katulad ko ay di gaya ng iba na puro kasiyahan lamang ang tinatamasa sa kanilang pagkabata, dahil kalakip ng aking pagkabata ang lungkot at pangungulila.

     Oktubre 11, 1993 isinilang ako ng aking ina na Vilma A. Paderes at pinangalanang “XYREX”. Paliwanag saken ng aking ina nang minsan kong natanong sa kanya kung bakit ito ang abinigay niyang pangalan saken ay dahil sa ito ay pangalan ng kanyang among mabait, matipuno, at magalang sa minsan niyang pamamasukan bilang kasambahay. Oo nga pala, ako ay hindi mabubuo kung hindi dahil sa pagmamahal ng aking amang si Shemeber C. Balasta sa aking ina. Nabuo nila ako kahit hindi pa sila kasal ng aking ina, kaya ang apelyedong dinadala ko hanggang sa ngayon ay ang apelyedo ng aking ina.

Ako at ang aking pinsan na si ate stephanie

    Matapos ang aking binyag noong ako ay tatlong buwang gulang pa lamang ay dinala na ako sa manila ng aking ama at ina mula sa aming probinsya sa leyte. Inaruga, minahal at ginising ang aking musmos na isipan. Masaya ako sa araw-araw na pamumuhay namin sa maynila. Tulad ng iba bata ay may natatanggap din akong pasalubong mula sa aking ama tuwing siya ay galing sa kanyang trabaho. Masaya ako kapiling ang aking pamilya. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay napahiwalay ako sa kanila dahil kailangan nilang magstay-in sa kanilang trabaho. Kaya napilitan silang ibalik ako sa probinsya. Masaya naman ako roon, ngunit alam naman natin na ang magulang ang higit na kailangan ng bawat bata kaysa sa iba. Ganon pa man ay sinimulan ko parin ang aking pag-aaral sa probinsya. Saq kabila ng aking pangungulila sa kanila ay naging inspirasyon ko pa ito upang pagbutihan ang aking pag-aaral. Nang araw ng aking pagtatapos sa kindergarten ay dumating ang aking ina. Syempre masayang-masaya ako, ngunit kapalit ng aking kasiyahan ay isang kagimbal-gimbal na balita. May ibang pamilya na raw ang aking ama. Sobra ang aking nadamang kalungkutan sa mga oras na iyon. Sino ba naman ang masisiyahan sa ganonfg klasing pangyayari. Sa kabila ng lahat ay nagpatuloy parin ako ng aking pag-aaral at sa probinsya ko narin sinimulan ang aking pag-aaral sa elementarya. Matapos ang aking pag-aaral sa ikatlong baitan ay kinuha ako ng aking ina sa probinsya. Dinala na niya ako dito sa san pablo at dito narin niya ako pinagtapos ng aking pag-aaral sa elementarya. Dito ko narin nalaman na my kapatin na pala ako kay mama. Tinanggap ko naman ito dahil sa dahilang iisa lang ang aming pinanggalingan. Ngunit ang hindi katanggap-tanggap saken ay ang napangasawa ng aking ina. Hindi kami magkasundo ng ama ng aking kapatid. Malayo ang loob namin sa isa’t-isa. Tanging angang aking ina lamang ang nag-uugnay sa amin hanggang sa kasalukuyan. Gayun pa man ay ramdam na ramdam ko parin ang pagmamahal ng aking ina. Alam kong mula noong ako’y musmos pa ay hindi parin ito nabawasan at labis-labis ko naman itong kinasasaya at ginagawang insparasyon sa aking patuloy na pagsisikap sa aking pag-aaral.

eto ako at ang aking kapatid nung magswimming kami sa Splash Mountain sa Calamba
     Nang tumungtong ako sa sekondarya ay muli akong napahiwalay sa aking ina dahil nawalan siya ng trabaho at hindi naman maaari na isama niya ako sa kanyang asawa na kahit kailan ay hindi ko nakapalagayangloob. Tumira ako sa makati. Inalagaan at ping-aral ng aking tiyahin. Tuwang-tuwa naman sila sa akin dahil sa aking matataas na marka, at sa aking kasipagan at labis na paggalang sa kanila. Dahil dito ay lubos akong napamahal sa kanila kaya hindi ko masyadong nararamdaman ang labis kong pangungulila sa aking ina. Sa aking ama naman ay nangungulila din ako nginit hanggang sa mga panahong iyon ay wala parin akong balita sa kanya.

     Bakasayon ayon ng aking ikadalawang taon sa sekondarya ay dumating ang aking ina, at kinukuha na niya ako sa aking tiyahin. Masakit dahil napamahal na ako sa kanila, ngunit alam ko na higit na mas masakit para sa aking ina kong hindi ako sumama sa kanya pabalik sa san pablo. At pagbalik ko nga rito ay nagpatuloy na ako sa aking pag-aaral. Sa una ay nahirapan akong makisalamuha sa aking mga kamag-aral ngunit hindi nartagal ay nakapalagayang loob ko rin sila. Sa bahay naman ay marami ng pagbabago. Nadagdagan na ang isa kong kapatid. Ayaw ko mang isipin ngunit talagang kinuha lang ako ng aking ina sa aking tiyahin ay upang may makatulong siya sa pag-aalaga sa aking bunsong kapatid. Ang sumunod naman sa akin ay nakakapalagayang loob ko naman, ngunit may mga pagkakataong nagkakaroon kami ng alitan sa isa’t-isa. Ang asawa naman ng aking ina ay tulad parin ng dati, walang mabuting katangian. Pero ayos lang, basta para sa aking ina, lahat kaya kong pakisamahan at gawin. Balik tayo sa aking paaralan. Malaki ang pinagkaiba ng aking pagiging estudyante sa makati at estudyante sa aking kasalukuyang paaralan sa ngayon. Bukod sa siguridad at pasilidad ay naging mahirap din sakin ang pakikipagsabayan sa aking mga kamag-aral na sanay makibagay sa anim napung estudyante sa isang maliit na silid ng paaralan. Mahirap dahil hindi kayo natututukan ng mga guro sa pag-aaral. At kung isa ka sa mga estudyanteng walang pakialam, ay papasa kang walang alam. Interes nalang talaga ang kailangan kung talagang may nais kang malaman. Sa pag-aaral ko naman sa taong ito ay nagkaroon ako ng kasintahan ngunit hindi rin nagtagal, kaya nagpasya na lang akong tutukan ang aking pag-aaral. Sa taon nga rin palang ito ay nagvolunteer ako ng mag-advance training upang maging officer pagsapit ng aking ika-apat na taon sa sekondarya. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng madaming kaibigan at syempre ng tagapayo na si Ginoong William C. Marfori.

Ako at ang aking mapagmahal at responsableng ina..
     Natapos ang aking pag-aaral sa akatlong antas. At nagyon nga ay nasa aka-apt at huling antas na ako ng sekondarya. Maraming bagay ang lubos na nagpagalak sa akin pagtungtung ko ng ika-apat na antas. Isa na rito ay ang pagiging ganap kong officer. At ang kasiyahan ng buhay estudyante ng antas na ito. Masaya, lalo na nang sumapit ang mini-olympics. Ito ang pinakahihintay na sandali ng bawat estudyate sa antas na ito. Ang cheer-dance ay isang kompetisyon na bahagi ng mini-olympics. Ito ay ang labanan ng pagpapakita ng husay sa pagkakaisa ay sayaw ng bawat pangkat. Masaya ako dahil sa araw ng laban ay nanalo ang aking kanabibilangang pangkat, ang 4BLAZERS!!! Bukod sa pagkakaisa naming magkakaklase ay masaya rin dahil napunta kame sa pangangalaga ng kwelang-kwelang punong tagapayo at ang aming ikalawang magulang sa paaralan na si Ginoong Macial C. Villianueva. Mabait at hindi kakikitaan ng galit ang kanyang mukha kaya siguro kahit na may edad na siya ay hindi parin kakikitaat ng bakas ng katandaad ang kanyang pisikal na kaanyuan. Sa pangkat na ito ko rin nakilala ang aking kasintahan, siya si MARIA WENDY IVY ARGUELLES CALABON. Mahalaga siya sa akin, hindi lamang dahil mahal ko siya kundi dahil siya ang dahilan kung bakit pinaplano kong gumising sa araw-araw. Para rin sa akin ay siya ang nagsisilbing oxygen ng buhay ko, yung tipong pag nawala ikamamatay ko. Labis-labis ang pagmamahal at tiwala ko sa kanya. Kaya sa ano mang oras at sa lahat ng bagay ay pinipilit kong maging mabuti at matututong magpakumbaba sa iba dahil naniniwala ako sa Diyos at alam ko na siya ang magpapatibay ng samahan namin ng aking kapareha. Naniniwala rin akong hindi niya hahayaang mawala sa akin ang taong dahilan kung bakit ako nabubuhay.
Ako nung js namin .. kasama ang aking kasintahan

Lunes, Pebrero 21, 2011

MARK LESTER ESTURAS ang nakaraan hanggang sa kasalukuyan

Marami pang hindi nakakakilala sa akin, kaya ngayon ilalahad ko ang aking talambuhay. Ang aking ama’t ina ay nagpakasal noong 1993 sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan. Masaya silang nagsasamang mag-asawa. Noong ika-30 ng 30 1994 sa Brgy. Soledad, laking katuwaan nina Ginoong Leonardo Esturas at Liza Esturas ng magsilang siya ng isang malusog na batang lalaki. Inaruga nila ako at inalagaan ng mauti. Lahat ay ibinibigay nila sa akin dahil ako agn kanilang kaisa-isang anak at panganay na lalaki. Kami ay nakatira sa Sto. Angel at napalipat din sa Kingsrow Subd., sa may Calihan.
Ito ako noong 3months pa lamang!


Ipinanganak ang pangalawa kong kapatid na si Lyndon Esturas subalit may sakit sa puso ang aking kapatid kaya napatigil kami sa Heart Center sa Maynila para ipagamot siya. Napakalungkot na na pangyayari na binawian siya ng buhay. Bumalik kami sa San Pablo para magtrabaho ang aking ama at ina. Ipinanganak naman ang ikatlo kong kapatid na babae na si Mary Louie Esturas.                                                                                        
Ito ako ng isa't kalahating taon na!
WONDERFUL SMILE!!!!
^_^


Nang ako ay nag-Elementary na, sa Don Enrique Bautista Elementary ako pumasok sa may Calihan. Ang una kong nagging guro sa Kindergarten ay ang aking ina dail doon siya nagtuturo. Ang aking ama ay guro din tulad ng aking ina doon. Naging pilyo at palalaro lamang ako noong kInder. At noong Grade 1 naman, nanibago ako dahil iba n ang nagtuturo sa akin, hindi na ang aking ina. Kaya naging pasaway ako sa aking guro. Nang mag-Grade II naman ay nagging masayahin na ako dahil marami na naman akong nakikilalang kaibigan. Isinsali ako sa sa mga Gawain sa eskwelahan tulad ng Boy Scout. Nang ako ay nagging Grade 3 na ay nagkaroon ako ng mga pagkakaabalahan tulad ng mga paglalaro, pagsasayaw at marami pang iba. Pero noong maging Grade 4 na ako ay lumipat na ako ng eskwelahan. Sa Central Schol naman ako pumasok dahil lumipat na rin doon sa pagtuturo ang aking ama. Naging seryoso ako dahil iba ana ang aking mga nakakasama. Nanibago din ako dahil wala pa akong masyadong kakiklala doon. Pero noong naging Grade V na ako ay naging masayahin at palabirong estudyante dahil marami na akong kakilala at marami na rin akong kasamahan. Sumasali na rin ako sa mga gawain sa paaralan tulad ng mga Camping sa Boy’s Scout, Sports at marami pang iba. Bigla naming isinilang ang isa ko pang kapatid na babae na si joy Esturas sa malaking hospital kaya naging abala na ang aking ina sa bahay sa pag-aalaga sa kapatid ko. Nang ako ay naging Grade VI ay nagmayron na ako ng mga ambisyon sa buhay. Naging seryosong-seryoso ako sa aking pag-aaral. Nahilig din ako sa larong Football dahil isinali ako ng aking ama. Nang ami ay nagsipagtapos na ay nagkanya-kanya na kaming magkakaibigan. Yung iba ay malayo na kaya hindi kami nakakapagkwentuhan at kasiyahan pero nagkakakita, nagkakabatian at nagkakapansinan pa naman kami.
Nasa heart center kami sa Manila ng pinapagamot ang kapatid ko!

Nang ako ay naging Sekondarya na ay pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Unang pasok pa lamang ay wala pa akong kakilala at nakakapanibago na. Pero marami akong mga naging kaibigan sa aking mga kaklase. Naging seksyon ko ay 1-B kaya hindi mga mahirap pakisamahan. Binasagan din ako ng Joker sa amin dahil patawa ako at nakakapagpasaya ng iba. Dahil din doon kaya marami akong naging kaibigan. Pagkatapos sa 1st year ay naging 2nd year na ako at iyon pa rin ang aking naging seksyon pati yong mga dati ko nang nakaklase ay kaklase ko pa rin kaya masasaya pa rin kami at hindi kami nagkakaiwahiwalay. Yung iba bumaba ng seksyon at may iba pa rin kaming mga kaklase na tumaas ang seksyon. Napapasok din ako sa larong Football. Nagkaroon din ako ng aking banda kaya kung saan-saan din kami dumarayo ng mga Battle of the Bands. Nang ako ay naging 3rd year ay nadoon pa rin ako sa seksyon B kaya di pa rin nakakapanibago dahill iyon pa rin ang aking mga kaklase. Marami ng mga bago dahil hindi na makapagpasok ng Football ang eskwelahan kaya hindi na kami nakapaglaro sa Division Meet at District meet. At ang banda naman ay nagkahiwa-hiwalay dahil magkakaiba na rin ng seksyon. Pero ng ako ay mag-volunteer sa CAT ay maraming nagbago sa kin. Naging intresado ako sa mga gawain ng CAT at ang pagpapatupad ng mga alituntunin at regulasyon nito. Naiwasan ko na arina ang aking pagcocomputer at naging masipag sa lahat ng gawain hingil sa pag-aaral. Marami akong naging kaibigan sa organisasyong iyon dahil magaling akong magpatawa at magpasaya ng iba. Ang naging ambisyon ko doon at gusto kong maging tungkulin ko ay maging 1st Batallion Commander. Kaya nagsipag ako at nagityaga para makamit ko iyon. Sumamam ako sa Summer Training para makapagsanay at makuha ang gusto kong tungkulin. Naging masaya at mahalaga ang aking mga natutunan doon. Lubos na ligaya ang aking nadama nang matapos naming ang Summer Training dahil marami akong natutunan sa pagiging officer ng CAT. Tuwang-tuwa ako ng magbigayan na nag designation at hindi ako nabigo. Nakamit ako ang pinakamimithi kong posisyon, ang maging 1st Batallion Commander. Nagbunga ang aking pagsisikap at paghihirap.
YABANG KO NO?!
Syempre 4yrs old B-day


Malugod kong ginampanan sa abot ng aking makakaya ang aking mga tungkulin bilang isang officer nang dumating ang pasukan. Naging abala kami sa mga nakaatang na tungkulin. Naging 4-B na ang seksyon ko. Kami pa rin ang magkakasama hanggang ngayon. Naging tanyag kami sa mga gawain sa eskwelahan. Kaming magkakabarkada at dating magkakaklase ay nagsama-sama ulit sa 4-B. Ang aming mga natutunan at mga napag-aralan sa CAT ay itinuturo naman naming ngayon sa ibang 4th year. Dahil dito mas marami na kaming mga kakilala at nakakakilala sa amin.
THE MOST GUAPO EVER
NOW ^_^

Ang dati naming hilig na larong Football ay nagawaan naming ng paraan upang makasali muli sa Division Meet. Nagbuo naman kami ng bagong banda para may maging libangan kapag walang ginagawa. Nag-aral na rin akong maggitara para habang nakanta ay may tugtog. Mas naging kilala ako bilang Darkjoker sa aing mga napapasayang tao. Kaya pag may nalulungkot nandito lang ako para magpasaya sa inyo. Ako si Mark Lester Esturas. Salamat po sa pagbasa at pag-intindi sa aking buhay.


DARK JOKER :)

Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Aking Talambuhay (KIMBERLY M.RAMOS)

ako :)

aira ako at nicole
my frieniemy
hehe:D
jowk...




Ang isang pinakamahalagang pinagkaloob ng Diyos ay ang BUHAY kaya ating ingatan at alagaan.Sa buhay ng bawat tao ay may kanya kanyang tungkulin dito sa mundong ibabaw.Matanda man o bata,mahirap man o mayaman lahat ay may tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa.Lahat ng tao ay may kanya kanyang istorya o kwento ng buhay. Narito ang kwento ng aking buhay sana ay may mapulot kayong aral.


Ako at aking ninong
Ako si Kimberly Maranan Ramos,ipinanganak noong taong 1995,ika-23 sa buwan ng Pebrero sa dakong ika-8 ng umaga.Labing lima taong gulang at nakatira sa Green Valley Subdivision.San Francisco,Calihan San Pablo City,Laguna.Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako nag aaral at ngayon ako ay nasa ika-apat na antas ng high school seksyon 4-B.Ipinaglihi ako ng aking Mommy sa dimple ni Popz Fernandez.Ang aking mga katangian ko naman ay mabait,masuunurin,matulungin,masiyahin at higit sa lahat mapagmahal na anak at kaibigan.Kung minsan naman ay makulit ako pero ayos lang cute naman ako.Mahilig nga pala akong makinig ng mga kanta at higit sa lahat magpatawa sa aking mga kaibigan.Ang aking mga magulang naman ay sina Remy at Erick Ramos,ikinisal sila noong taong 1991 ika-6 sa buwan ng Mayo.Dahil sa kanilang pagmamahalan nabuo kaming tatlo magkakapatid,pangalawa ako sa aming magkakapatid.Ang dalawang kapatid ko ay sina John Kevin at Kristian Ramos.Ang panganay kong kapatid ay si John Kevin,isinilang noong taong1991 ika-10 sa buwan ng Oktubre.Siya ay labing siyam na tong gulang na,nakapagtapos ng dalawang taon sa kursong Information Technology.Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa Chowking Fastfood Restaurant para makatulong sa aming mga magulang.Si Kristian naman,sya naman ang aking bunsong kapatid.Ipinanganak noong taong 1999 ika-9 sa buwan ng Hulyo.Sa Magcaseville Elem.School siya napasok at ito ay nasa ika-6 na antas ng Elem.Sa nalalapit na pagtatapos ng School Year,sabay kaming magtatapos ng bunso kong kapatid.Magtatapos siya ng Elementarya at ako naman ay sa High School.Tahimik,maayos at masaya ang aming pamumuhay dahil sama-sama kami sa paglutas ng problema sa araw-araw.Pag-usapan naman natin ang aking pinasukan noong elementarya ako at ang mga mahahalagang okasyon na nangyari sa buhay ko ay binigyan ko ng halaga.
ako at si Loren :)





Sa una kng pagpasok sa eskwelahan noong elementarya ako,ang una kong naramdaman kaagad ay ang mga nararamdaman din nga mga baguhang katulad ko syempre kinakabahan at syempre nahihiya kasi hindi ko pa sila kilalang lahat.Noong elementarya ako Grade 1 hanggang Grade 6 sa Ambray Elem. School ako pumasok at higit sa lahat dito ako nakapagtapos ng pag-aaral.Nagpapasalamat ako dahil ito ang naging pangalawang tahanan ko sa loob ng anim na taon.
tropa ko :)
tropa ko with tita shy :)
i love her
Ayon sa nakararaming nakakatanda,ang HIGH SCHOOL LIFE daw ang pinakamasaya at hindi malilimutang karanasan o yugto sa buhay ng bawat tao.Noong pagtungtong ko ng 1st yr. high school seksyon E sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School,ang kauna-unahan kong kakilala pa lamang ay ang aking pinsan na si Rica Joy Maranan.Sabay kasi kaming nag-enroll ng 1st yr. at buti na lang naging magkaklase pa kami.Dito ko rin nakilala ang mga bago kong kamag-aral at higit sa lahat ang matatalik kong kaibigan na sina Jennifer Santos,Jane Valerio at si Lorenzo Roxas.Si Jennifer,yan ang President namin nung 1-E kami.Ngayon ay nasa Maynila na ito at doon pinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral dahil doon siya pinag-aaral ng kanyang mga kapatid.Siya lang ang napahiwalay sa aming magkakaibigan pero tinuturing pa rin namin siya na matalik naming kaibigan kahit na ito ay nasa malayo siyang lugar.Sina Jane Valerio at Lorenzo Roxas naman ay ang kaibigang kong makukulit pero sila ay mababait at higit sa lahat sila rin ay masasayahing tao.Noong pagtungtong ko naman ng ikalawang antas ay napapunta ako sa seksyon C galing kasi ako sa 1-E.Eto na naman ako kinakabahan sa unang araw ng pasukan dahil kasi bagong lipat sa kanilang seksyon pero madali ko din silang nakilala at madali rin silang pakisamahan.Nagkaroon na naman ako ng mga bagong kamag-aral,kaibigan at mga kakulitan.Noong bakasyon kaming 2-C ay nagplano ng isang swimming sa kadahilanang marami kaming natanggap na Awards nung lumaban kami ng Florante at Laura.Natuloy ito sa Country Side kaya kami ay nakapagswimming,ang saya-saya nung araw na iyon.Mabilis na naman lumipas ang araw at panahon.Sa ikatlong antas naging seksyon B naman ako galing 2-C.Eto na naman ako bagong pakikisama at pakikisalamuha pero mabilis at madali lang silang lahat pakisamahan.Dahil kasi sa seksyon na ito ay may pagkakaisa at pagtutulungan.Masaya ako dahil laging nadadagdagan ang mga kaibagan ko at lagi akong may bagong nakikilalang tao.Napakasaya ng 3rd yr. high school,sabi nga ng iba ito daw ang pinakamahirap sa high school subalit para sa akin medyo mahirap lang.Sa mabilis na pag-ikot ng mundo na bilis din ang paglipas ng araw at panahon.Ngayon ay nasa ika-apat na antas na ako ng high school seksyon B pa rin.Totoo nga na ang HIGH SCHOOL LIFE ang pinakamasayang yugto sa buhay ng bawat tao.Tulad ngayong 4th yr. andami-daming magagandang alaala ang nangyari.Ngayong 4th yr. sa aming 4-B ang hindi namin malilimutang okasyon na nangyari sa buhay namin ay noong nakaraang taon ika-11 sa buwan ng Nobyembre kasi araw ito ng Opening ng Mini-Olympics para sa lahat ng 4th yr. high school at sa kadahilanang kami ang itinanghal na CHAMPION sa laban ng cheerdance.Lahat kami ay ang sasayanung araw na yon dahil sa pagkakapanalo magaing ang adviser ay naging proud sa aming lahat.Nagkaroon ulit ako ng mga bagong matatlik na kaibigan ngayong 4th yr. ito ay sina Ann Tricia Sumague,Loren Gilua,Jennifer Timbas,Charmaine Genil,Katrina Lyn Briones at si Ma. Wendy Ivy Calabon. Lahatsila ay mababait,matutulungin,maunawain,mapagbigay at higit sa sila ay mapagmahal na kaibigan.Lagi-lagi kaming magkakasama,nagtutulungan at isa pa rito ay nagdadamayan sa lahat ng oras lalo na pag may problema ang isa.Nagsimula lang itong mabuo ang aming pagkakaibigan ngayong 4th yr. kami kapwa magkakaklase kasi kami.Nagpapasalamat ako ng maraming marami sa Panginoon dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan katulad nila.Sa nalalapit naming pagtatapos ng hihg school sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School,pinapangako namin na makakaibigan pa rin kami kahit magkakaiba na ang papasukan namin ng eskwelahan sa kolehiyo.Sa ngayon habang magkakasama pa kami ay sinusulit namin ang mga araw namin sa eskwelahan dahil malapit na kasi ang GRARUATION DAY.

Ako Mula Noon Hanggang Sa Kasalukuyan




Marami ang nagsasabi na ang kabataan ang pinakamasayang yugto ng buhay. Dahil nga tanging bata lang ang walang problema sa mundo at walang ibang inisip kundi ang sasiyahan. Ngunit sa isang katulad ko ay di gaya ng iba na puro kasiyahan lamang ang tinatamasa sa kanilang pagkabata, dahil kalakip ng aking pagkabata ang lungkot at pangungulila.

Oktubre 11, 1993 isinilang ako ng aking ina na Vilma A. Paderes at pinangalanang “XYREX”. Paliwanag saken ng aking ina nang minsan kong natanong sa kanya kung bakit ito ang abinigay niyang pangalan saken ay dahil sa ito ay pangalan ng kanyang among mabait, matipuno, at magalang sa minsan niyang pamamasukan bilang kasambahay. Oo nga pala, ako ay hindi mabubuo kung hindi dahil sa pagmamahal ng aking amang si Shemeber C. Balasta sa aking ina. Nabuo nila ako kahit hindi pa sila kasal ng aking ina, kaya ang apelyedong dinadala ko hanggang sa ngayon ay ang apelyedo ng aking ina.




Matapos ang aking binyag noong ako ay tatlong buwang gulang pa lamang ay dinala na ako sa manila ng aking ama at ina mula sa aming probinsya sa leyte. Inaruga, minahal at ginising ang aking musmos na isipan. Masaya ako sa araw-araw na pamumuhay namin sa maynila. Tulad ng iba bata ay may natatanggap din akong pasalubong mula sa aking ama tuwing siya ay galing sa kanyang trabaho. Masaya ako kapiling ang aking pamilya. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay napahiwalay ako sa kanila dahil kailangan nilang magstay-in sa kanilang trabaho. Kaya napilitan silang ibalik ako sa probinsya. Masaya naman ako roon, ngunit alam naman natin na ang magulang ang higit na kailangan ng bawat bata kaysa sa iba. Ganon pa man ay sinimulan ko parin ang aking pag-aaral sa probinsya. Saq kabila ng aking pangungulila sa kanila ay naging inspirasyon ko pa ito upang pagbutihan ang aking pag-aaral. Nang araw ng aking pagtatapos sa kindergarten ay dumating ang aking ina. Syempre masayang-masaya ako, ngunit kapalit ng aking kasiyahan ay isang kagimbal-gimbal na balita. May ibang pamilya na raw ang aking ama. Sobra ang aking nadamang kalungkutan sa mga oras na iyon. Sino ba naman ang masisiyahan sa ganonfg klasing pangyayari. Sa kabila ng lahat ay nagpatuloy parin ako ng aking pag-aaral at sa probinsya ko narin sinimulan ang aking pag-aaral sa elementarya. Matapos ang aking pag-aaral sa ikatlong baitan ay kinuha ako ng aking ina sa probinsya. Dinala na niya ako dito sa san pablo at dito narin niya ako pinagtapos ng aking pag-aaral sa elementarya. Dito ko narin nalaman na my kapatin na pala ako kay mama. Tinanggap ko naman ito dahil sa dahilang iisa lang ang aming pinanggalingan. Ngunit ang hindi katanggap-tanggap saken ay ang napangasawa ng aking ina. Hindi kami magkasundo ng ama ng aking kapatid. Malayo ang loob namin sa isa’t-isa. Tanging angang aking ina lamang ang nag-uugnay sa amin hanggang sa kasalukuyan. Gayun pa man ay ramdam na ramdam ko parin ang pagmamahal ng aking ina. Alam kong mula noong ako’y musmos pa ay hindi parin ito nabawasan at labis-labis ko naman itong kinasasaya at ginagawang insparasyon sa aking patuloy na pagsisikap sa aking pag-aaral.




Nang tumungtong ako sa sekondarya ay muli akong napahiwalay sa aking ina dahil nawalan siya ng trabaho at hindi naman maari na iasa niya ako sa kanyang asawa na kahit kailan ay hindi ko nakapalagayangloob. Tumira ako sa makati. Inalagaan at ping-aral ng aking tiyahin. Tuwang-tuwa naman sila sa akin dahil sa aking matataas na marka, at sa aking kasipagan at labis na paggalang sa kanila. Dahil dito ay lubos akong napamahal sa kanila kaya hindi ko masyadong nararamdaman ang labis kong pangungulila sa aking ina. Sa aking ama naman ay nangungulila din ako nginit hanggang sa mga panahong iyon ay wala parin akong balita sa kanya.

Bakasayon ayon ng aking ikadalawang taon sa sekondarya ay dumating ang aking ina, at kinukuha na niya ako sa aking tiyahin. Masakit dahil napamahal na ako sa kanila, ngunit alam ko na higit na mas masakit para sa aking ina kong hindi ako sumama sa kanya pabalik sa san pablo. At pagbalik ko nga rito ay nagpatuloy na ako sa aking pag-aaral. Sa una ay nahirapan akong makisalamuha sa aking mga kamag-aral ngunit hindi nartagal ay nakapalagayang loob ko rin sila. Sa bahay naman ay marami ng pagbabago. Nadagdagan na ang isa kong kapatid. Ayaw ko mang isipin ngunit talagang kinuha lang ako ng aking ina sa aking tiyahin ay upang may makatulong siya sa pag-aalaga sa aking bunsong kapatid. Ang sumunod naman sa akin ay nakakapalagayang loob ko naman, ngunit may mga pagkakataong nagkakaroon kami ng alitan sa isa’t-isa. Ang asawa naman ng aking ina ay tulad parin ng dati, walang mabuting katangian. Pero ayos lang, basta para sa aking ina, lahat kaya kong pakisamahan at gawin. Balik tayo sa aking paaralan. Malaki ang pinagkaiba ng aking pagiging estudyante sa makati at estudyante sa aking kasalukuyang paaralan sa ngayon. Bukod sa siguridad at pasilidad ay naging mahirap din sakin ang pakikipagsabayan sa aking mga kamag-aral na sanay makibagay sa anim napung estudyante sa isang maliit na silid ng paaralan. Mahirap dahil hindi kayo natututukan ng mga guro sa pag-aaral. At kung isa ka sa mga estudyanteng walang pakialam, ay papasa kang walang alam. Interes nalang talaga ang kailangan kung talagang may nais kang malaman. Sa pag-aaral ko naman sa taong ito ay nagkaroon ako ng kasintahan ngunit hindi rin nagtagal, kaya nagpasya na lang akong tutukan ang aking pag-aaral. Sa taon nga rin palang ito ay nagvolunteer ako ng mag-advance training upang maging officer pagsapit ng aking ika-apat na taon sa sekondarya. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng madaming kaibigan at syempre ng tagapayo na si Ginoong William C. Marfori.




Natapos ang aking pag-aaral sa akatlong antas. At nagyon nga ay nasa aka-apt at huling antas na ako ng sekondarya. Maraming bagay ang lubos na nagpagalak sa akin pagtungtung ko ng ika-apat na antas. Isa na rito ay ang pagiging ganap kong officer. At ang kasiyahan ng buhay estudyante ng antas na ito. Masaya, lalo na nang sumapit ang mini-olympics. Ito ang pinakahihintay na sandali ng bawat estudyate sa antas na ito. Ang cheer-dance ay isang kompetisyon na bahagi ng mini-olympics. Ito ay ang labanan ng pagpapakita ng husay sa pagkakaisa ay sayaw ng bawat pangkat. Masaya ako dahil sa araw ng laban ay nanalo ang aking kanabibilangang pangkat, ang 4BLAZERS!!! Bukod sa pagkakaisa naming magkakaklase ay masaya rin dahil napunta kame sa pangangalaga ng kwelang-kwelang punong tagapayo at ang aming ikalawang magulang sa paaralan na si Ginoong Macial C. Villianueva. Mabait at hindi kakikitaan ng galit ang kanyang mukha kaya siguro kahit na may edad na siya ay hindi parin kakikitaat ng bakas ng katandaad ang kanyang pisikal na kaanyuan. Sa pangkat na ito ko rin nakilala ang aking kasintahan, siya si MARIA WENDY IVY ARGUELLES CALABON. Mahalaga siya sa akin, hindi lamang dahil mahal ko siya kundi dahil siya ang dahilan kung bakit pinaplano kong gumising sa araw-araw. Para rin sa akin ay siya ang nagsisilbing oxygen ng buhay ko, yung tipong pag nawala ikamamatay ko. Labis-labis ang pagmamahal at tiwala ko sa kanya. Kaya sa ano mang oras at sa lahat ng bagay ay pinipilit kong maging mabuti at matututong magpakumbaba sa iba dahil naniniwala ako sa Diyos at alam ko na siya ang magpapatibay ng samahan namin ng aking kapareha. Naniniwala rin akong hindi niya hahayaang mawala sa akin ang taong dahilan kung bakit ako nabubuhay.



Ang Talambuhay ni Anna Nicole Cagitla Reyes

ako at ang maalaga kong ina
                                                            
                   Sa buhay may ibat ibang pagsubok ang dumarating sa buhay ng ibat ibang tao. Mayroon ding ibat ibang ugali, may maarte , may mabait, mat suplada at may masungit.
ako at ang aking mga kaibigan

            

Ako po si Anna Nicole Cagitla Reyes , labing limang taong gulang (15 y/o) ipinanganak noong Nobyembre 9 1995. Anak ako nina Evelyn Cagitla Reyes at Arturo Piral Reyes . Nanggaling ang pangalan kong “Anna” sa pangalan ng aking lola na si Anita Evangelista Cagitla at ang “Nicole naman ay galing sa pangalan ng isang santona si St. Nicholas . Panganay ako sa tatlong magkakapatid.
Sa panahon na ako’y sanggol pa lamang ay sinusuob ng isenso’t kamanyan ng aking mga magulang, sa kadahilanang ako raw ay nakakakita ng dwende sa paligid ng aming bahay. Maraming nangyari noong ako’y sanggol pa lamang, kung anu ano na ang ginawa sa akin ng aking magulang upang ako ay mamuti ,ngunit sadyang ako ay maitim dahil ipinaglihi raw ako sa isdang “Dalag”. Malimit din akong dalhin ng aking mga magulang sa ospital dahil sa sakit ko.Isang taon pa lamang ang nakakaraan nasundan agad ako ng isang batang babae rin, nahirapan sa amin ang aming mga magulang dahil parehas kaming may sakit pagkalabas ng isa sa ospital yung isa naman ang papasok sa ospital , mabuti na lamang at hindi kami nagigipit ng panahong iyon kaya kaya napapagamot kami ng maayos ng aming mga magulang , at sa bata naming gulang ay tinuturuan agad kami ng aming mga magulang kung paano tumawag at mgpasalamat sa Panginoong Maykapal.Apat na taong gulang pa lamang ako ng aking mga magulang sa iskwelahan, pinag aral nila ako ng kinder sa San Pablo City Central School. Dahil sa bata ko pang edad ay pumasok ako ng summer class sa Santo Nino Learning Center.At sa edad na limang taong gulang ay na diskubre ko ang aking talento sa pagkanta, at sa murang edad ay sumasali na ako sa mga paligsahan, kahit sa bawat pagsali ko ay ikalawng puwesto lamang ang nakukuha ay masaya na ako dahil naibabahagi ko na agad ang aking talento.Sa elementarya, ay lumipat ako ng eskwelahan, pumasok ako sa Bernardina Aranza Deveza Memorial School, sa una kong pagpasok ay kinabahan ako dahil wala pa akong kaibigan. Pero habang tumatagal ay nakakakilala na ako ng mga kaibigan,nadidiskobre na rin ng eskwelahan ang aking mga talento kaya sa tuwing may okasyon, ay palagi nila akong pinakakanta. At sa edad na pito ay marami na nagkagusto sa akin, nayroon ding mga nanliligaw ngunit hindi ko yun pinansin dahil masyado pa akong bata. Sa pagtatapos ko ng elementarya, sobra ang nadama kong saya dahil hindi ko akalaing magtatapos na ako.Sa pagtuntong ko ng sekondarya ay medyo kinabahan ako dahil hindi ko pa alam ang pasikot sikot sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool, pero katulad na rin sa elementarya nang tumagal ay nagkaroon na ako ng maraming kaibigan, marami na ring sinabing mga pangaral ang akin mga magulang, marami ring nagbago sa pagtuntuong ng sekondarya, katulad na lamang ng ugali ko naging tahimik ako na hindi gaya ng dati na napakadaldal ko. Hindi ko makakalimutan sa pagtuntong ng ikalawang taon ng sekondarya ay nakakuha ako ng hulog na marka, kung hindi dahil sa pagsusumikap ko ay marahil ay hindi pa ako makakatapos.At sa ikatlong taon ko ng sekondarya, natuwa ako at sinabi sa aking sarili na mag aaral ako ng mabuti, at sa wakas mararanasan ko ang sinasabi nilang “JS prom”, totoo nga ang sisabi nila na masaya ito.At ngaun sa pagtuntong ko ng ikaapat na taon, medyo nalungkot ako dahil napalipat ako sa seksyong B ,ianakal kong hindi ko sila makakasundo ngunit nagkamali ako dahil masaya silang kasama dahil sa kanila nagbalik ang dating Nicole na masigla, masiyahin, at madaldal. Masaya ako sa seksyon ko ngaun hindi ko pinagsisisi hang nalipat ako ng seksyon. At sa seksyong ito, dito nakilala ang kauna unahang nagpatibok ng aking puso, ngunit sadyang hindi kami para sa ias’t isa nagkahiwalay agad kami sa maigsing panahon, dahil na rin siguro sa lumaki ang kangyang ulo dahil sya ang inilalaban ng eskwelahan sa palisahang “COCO STAR 2011”. Sana nga lang masaya na siya sa ipinalit niya sa akin.

                              Sa ngayon ,ay iniintindi ko ang aking pagaaral dahil sa mga darating na mga pagsusulit upang akoy makapagtapos ng sekondarya nitong nalalapit na buwan ng abril. At sa mga lilipas na mga panahon ay mas pagbubutihan ko na ang aking pagaaral upang ng sa ganon ay makatulong ako sa aking mga magulang ayoko na kasi na ako ay nagigigng pabigat lamang sa kanila,.Ang gusri ko ay magantihan ko ang mga bagay na ibinigay nila sa akin.
Ito ang aking talambuhay!

Ako habang naghahnda para sa JS



Ako nuong fieldtrip

Ngyon ay nkpasok na aq ng 2nd semester at naipasa ang evaluation sa eduation course q.Masaya na aqng nag aaral na ang tanging inspirasyon q ay ang Diyos, pamilya at  mga kaibigan.At msaya na rin ako na naaabot ko ng kahit paunti unti ang mga pangarap ko.t msaya rin ako na na papasaya ko ang mga kaibigan ko, sa pamamagitan ng pagrampa ko,,hehe joke..gingawa ko on pra sa aming lahat dahil bawat pag rampa ko ang katumbas ay grade.kaya sa pag pasok ko sa kolehiyo ay marami akong natutunan, kagaya nalanng ng pagbangon sa tuwing ika'y nadarpa















hellow world!!!

hi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1