Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay ni Anna Nicole Cagitla Reyes

ako at ang maalaga kong ina
                                                            
                   Sa buhay may ibat ibang pagsubok ang dumarating sa buhay ng ibat ibang tao. Mayroon ding ibat ibang ugali, may maarte , may mabait, mat suplada at may masungit.
ako at ang aking mga kaibigan

            

Ako po si Anna Nicole Cagitla Reyes , labing limang taong gulang (15 y/o) ipinanganak noong Nobyembre 9 1995. Anak ako nina Evelyn Cagitla Reyes at Arturo Piral Reyes . Nanggaling ang pangalan kong “Anna” sa pangalan ng aking lola na si Anita Evangelista Cagitla at ang “Nicole naman ay galing sa pangalan ng isang santona si St. Nicholas . Panganay ako sa tatlong magkakapatid.
Sa panahon na ako’y sanggol pa lamang ay sinusuob ng isenso’t kamanyan ng aking mga magulang, sa kadahilanang ako raw ay nakakakita ng dwende sa paligid ng aming bahay. Maraming nangyari noong ako’y sanggol pa lamang, kung anu ano na ang ginawa sa akin ng aking magulang upang ako ay mamuti ,ngunit sadyang ako ay maitim dahil ipinaglihi raw ako sa isdang “Dalag”. Malimit din akong dalhin ng aking mga magulang sa ospital dahil sa sakit ko.Isang taon pa lamang ang nakakaraan nasundan agad ako ng isang batang babae rin, nahirapan sa amin ang aming mga magulang dahil parehas kaming may sakit pagkalabas ng isa sa ospital yung isa naman ang papasok sa ospital , mabuti na lamang at hindi kami nagigipit ng panahong iyon kaya kaya napapagamot kami ng maayos ng aming mga magulang , at sa bata naming gulang ay tinuturuan agad kami ng aming mga magulang kung paano tumawag at mgpasalamat sa Panginoong Maykapal.Apat na taong gulang pa lamang ako ng aking mga magulang sa iskwelahan, pinag aral nila ako ng kinder sa San Pablo City Central School. Dahil sa bata ko pang edad ay pumasok ako ng summer class sa Santo Nino Learning Center.At sa edad na limang taong gulang ay na diskubre ko ang aking talento sa pagkanta, at sa murang edad ay sumasali na ako sa mga paligsahan, kahit sa bawat pagsali ko ay ikalawng puwesto lamang ang nakukuha ay masaya na ako dahil naibabahagi ko na agad ang aking talento.Sa elementarya, ay lumipat ako ng eskwelahan, pumasok ako sa Bernardina Aranza Deveza Memorial School, sa una kong pagpasok ay kinabahan ako dahil wala pa akong kaibigan. Pero habang tumatagal ay nakakakilala na ako ng mga kaibigan,nadidiskobre na rin ng eskwelahan ang aking mga talento kaya sa tuwing may okasyon, ay palagi nila akong pinakakanta. At sa edad na pito ay marami na nagkagusto sa akin, nayroon ding mga nanliligaw ngunit hindi ko yun pinansin dahil masyado pa akong bata. Sa pagtatapos ko ng elementarya, sobra ang nadama kong saya dahil hindi ko akalaing magtatapos na ako.Sa pagtuntong ko ng sekondarya ay medyo kinabahan ako dahil hindi ko pa alam ang pasikot sikot sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool, pero katulad na rin sa elementarya nang tumagal ay nagkaroon na ako ng maraming kaibigan, marami na ring sinabing mga pangaral ang akin mga magulang, marami ring nagbago sa pagtuntuong ng sekondarya, katulad na lamang ng ugali ko naging tahimik ako na hindi gaya ng dati na napakadaldal ko. Hindi ko makakalimutan sa pagtuntong ng ikalawang taon ng sekondarya ay nakakuha ako ng hulog na marka, kung hindi dahil sa pagsusumikap ko ay marahil ay hindi pa ako makakatapos.At sa ikatlong taon ko ng sekondarya, natuwa ako at sinabi sa aking sarili na mag aaral ako ng mabuti, at sa wakas mararanasan ko ang sinasabi nilang “JS prom”, totoo nga ang sisabi nila na masaya ito.At ngaun sa pagtuntong ko ng ikaapat na taon, medyo nalungkot ako dahil napalipat ako sa seksyong B ,ianakal kong hindi ko sila makakasundo ngunit nagkamali ako dahil masaya silang kasama dahil sa kanila nagbalik ang dating Nicole na masigla, masiyahin, at madaldal. Masaya ako sa seksyon ko ngaun hindi ko pinagsisisi hang nalipat ako ng seksyon. At sa seksyong ito, dito nakilala ang kauna unahang nagpatibok ng aking puso, ngunit sadyang hindi kami para sa ias’t isa nagkahiwalay agad kami sa maigsing panahon, dahil na rin siguro sa lumaki ang kangyang ulo dahil sya ang inilalaban ng eskwelahan sa palisahang “COCO STAR 2011”. Sana nga lang masaya na siya sa ipinalit niya sa akin.

                              Sa ngayon ,ay iniintindi ko ang aking pagaaral dahil sa mga darating na mga pagsusulit upang akoy makapagtapos ng sekondarya nitong nalalapit na buwan ng abril. At sa mga lilipas na mga panahon ay mas pagbubutihan ko na ang aking pagaaral upang ng sa ganon ay makatulong ako sa aking mga magulang ayoko na kasi na ako ay nagigigng pabigat lamang sa kanila,.Ang gusri ko ay magantihan ko ang mga bagay na ibinigay nila sa akin.
Ito ang aking talambuhay!

Ako habang naghahnda para sa JS



Ako nuong fieldtrip

Ngyon ay nkpasok na aq ng 2nd semester at naipasa ang evaluation sa eduation course q.Masaya na aqng nag aaral na ang tanging inspirasyon q ay ang Diyos, pamilya at  mga kaibigan.At msaya na rin ako na naaabot ko ng kahit paunti unti ang mga pangarap ko.t msaya rin ako na na papasaya ko ang mga kaibigan ko, sa pamamagitan ng pagrampa ko,,hehe joke..gingawa ko on pra sa aming lahat dahil bawat pag rampa ko ang katumbas ay grade.kaya sa pag pasok ko sa kolehiyo ay marami akong natutunan, kagaya nalanng ng pagbangon sa tuwing ika'y nadarpa















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento