Sabado, Marso 19, 2011

Ako Mula Noon Hanggang Sa Kasalukuyan

ayan  ako nung aking binyag sa Leyte
Ang Talambuhay Ko ( Xyrex A. Paderes )

     Marami ang nagsasabi na ang kabataan ang pinakamasayang yugto ng buhay. Dahil nga tanging bata lang ang walang problema sa mundo at walang ibang inisip kundi ang sasiyahan. Ngunit sa isang katulad ko ay di gaya ng iba na puro kasiyahan lamang ang tinatamasa sa kanilang pagkabata, dahil kalakip ng aking pagkabata ang lungkot at pangungulila.

     Oktubre 11, 1993 isinilang ako ng aking ina na Vilma A. Paderes at pinangalanang “XYREX”. Paliwanag saken ng aking ina nang minsan kong natanong sa kanya kung bakit ito ang abinigay niyang pangalan saken ay dahil sa ito ay pangalan ng kanyang among mabait, matipuno, at magalang sa minsan niyang pamamasukan bilang kasambahay. Oo nga pala, ako ay hindi mabubuo kung hindi dahil sa pagmamahal ng aking amang si Shemeber C. Balasta sa aking ina. Nabuo nila ako kahit hindi pa sila kasal ng aking ina, kaya ang apelyedong dinadala ko hanggang sa ngayon ay ang apelyedo ng aking ina.

Ako at ang aking pinsan na si ate stephanie

    Matapos ang aking binyag noong ako ay tatlong buwang gulang pa lamang ay dinala na ako sa manila ng aking ama at ina mula sa aming probinsya sa leyte. Inaruga, minahal at ginising ang aking musmos na isipan. Masaya ako sa araw-araw na pamumuhay namin sa maynila. Tulad ng iba bata ay may natatanggap din akong pasalubong mula sa aking ama tuwing siya ay galing sa kanyang trabaho. Masaya ako kapiling ang aking pamilya. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay napahiwalay ako sa kanila dahil kailangan nilang magstay-in sa kanilang trabaho. Kaya napilitan silang ibalik ako sa probinsya. Masaya naman ako roon, ngunit alam naman natin na ang magulang ang higit na kailangan ng bawat bata kaysa sa iba. Ganon pa man ay sinimulan ko parin ang aking pag-aaral sa probinsya. Saq kabila ng aking pangungulila sa kanila ay naging inspirasyon ko pa ito upang pagbutihan ang aking pag-aaral. Nang araw ng aking pagtatapos sa kindergarten ay dumating ang aking ina. Syempre masayang-masaya ako, ngunit kapalit ng aking kasiyahan ay isang kagimbal-gimbal na balita. May ibang pamilya na raw ang aking ama. Sobra ang aking nadamang kalungkutan sa mga oras na iyon. Sino ba naman ang masisiyahan sa ganonfg klasing pangyayari. Sa kabila ng lahat ay nagpatuloy parin ako ng aking pag-aaral at sa probinsya ko narin sinimulan ang aking pag-aaral sa elementarya. Matapos ang aking pag-aaral sa ikatlong baitan ay kinuha ako ng aking ina sa probinsya. Dinala na niya ako dito sa san pablo at dito narin niya ako pinagtapos ng aking pag-aaral sa elementarya. Dito ko narin nalaman na my kapatin na pala ako kay mama. Tinanggap ko naman ito dahil sa dahilang iisa lang ang aming pinanggalingan. Ngunit ang hindi katanggap-tanggap saken ay ang napangasawa ng aking ina. Hindi kami magkasundo ng ama ng aking kapatid. Malayo ang loob namin sa isa’t-isa. Tanging angang aking ina lamang ang nag-uugnay sa amin hanggang sa kasalukuyan. Gayun pa man ay ramdam na ramdam ko parin ang pagmamahal ng aking ina. Alam kong mula noong ako’y musmos pa ay hindi parin ito nabawasan at labis-labis ko naman itong kinasasaya at ginagawang insparasyon sa aking patuloy na pagsisikap sa aking pag-aaral.

eto ako at ang aking kapatid nung magswimming kami sa Splash Mountain sa Calamba
     Nang tumungtong ako sa sekondarya ay muli akong napahiwalay sa aking ina dahil nawalan siya ng trabaho at hindi naman maaari na isama niya ako sa kanyang asawa na kahit kailan ay hindi ko nakapalagayangloob. Tumira ako sa makati. Inalagaan at ping-aral ng aking tiyahin. Tuwang-tuwa naman sila sa akin dahil sa aking matataas na marka, at sa aking kasipagan at labis na paggalang sa kanila. Dahil dito ay lubos akong napamahal sa kanila kaya hindi ko masyadong nararamdaman ang labis kong pangungulila sa aking ina. Sa aking ama naman ay nangungulila din ako nginit hanggang sa mga panahong iyon ay wala parin akong balita sa kanya.

     Bakasayon ayon ng aking ikadalawang taon sa sekondarya ay dumating ang aking ina, at kinukuha na niya ako sa aking tiyahin. Masakit dahil napamahal na ako sa kanila, ngunit alam ko na higit na mas masakit para sa aking ina kong hindi ako sumama sa kanya pabalik sa san pablo. At pagbalik ko nga rito ay nagpatuloy na ako sa aking pag-aaral. Sa una ay nahirapan akong makisalamuha sa aking mga kamag-aral ngunit hindi nartagal ay nakapalagayang loob ko rin sila. Sa bahay naman ay marami ng pagbabago. Nadagdagan na ang isa kong kapatid. Ayaw ko mang isipin ngunit talagang kinuha lang ako ng aking ina sa aking tiyahin ay upang may makatulong siya sa pag-aalaga sa aking bunsong kapatid. Ang sumunod naman sa akin ay nakakapalagayang loob ko naman, ngunit may mga pagkakataong nagkakaroon kami ng alitan sa isa’t-isa. Ang asawa naman ng aking ina ay tulad parin ng dati, walang mabuting katangian. Pero ayos lang, basta para sa aking ina, lahat kaya kong pakisamahan at gawin. Balik tayo sa aking paaralan. Malaki ang pinagkaiba ng aking pagiging estudyante sa makati at estudyante sa aking kasalukuyang paaralan sa ngayon. Bukod sa siguridad at pasilidad ay naging mahirap din sakin ang pakikipagsabayan sa aking mga kamag-aral na sanay makibagay sa anim napung estudyante sa isang maliit na silid ng paaralan. Mahirap dahil hindi kayo natututukan ng mga guro sa pag-aaral. At kung isa ka sa mga estudyanteng walang pakialam, ay papasa kang walang alam. Interes nalang talaga ang kailangan kung talagang may nais kang malaman. Sa pag-aaral ko naman sa taong ito ay nagkaroon ako ng kasintahan ngunit hindi rin nagtagal, kaya nagpasya na lang akong tutukan ang aking pag-aaral. Sa taon nga rin palang ito ay nagvolunteer ako ng mag-advance training upang maging officer pagsapit ng aking ika-apat na taon sa sekondarya. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng madaming kaibigan at syempre ng tagapayo na si Ginoong William C. Marfori.

Ako at ang aking mapagmahal at responsableng ina..
     Natapos ang aking pag-aaral sa akatlong antas. At nagyon nga ay nasa aka-apt at huling antas na ako ng sekondarya. Maraming bagay ang lubos na nagpagalak sa akin pagtungtung ko ng ika-apat na antas. Isa na rito ay ang pagiging ganap kong officer. At ang kasiyahan ng buhay estudyante ng antas na ito. Masaya, lalo na nang sumapit ang mini-olympics. Ito ang pinakahihintay na sandali ng bawat estudyate sa antas na ito. Ang cheer-dance ay isang kompetisyon na bahagi ng mini-olympics. Ito ay ang labanan ng pagpapakita ng husay sa pagkakaisa ay sayaw ng bawat pangkat. Masaya ako dahil sa araw ng laban ay nanalo ang aking kanabibilangang pangkat, ang 4BLAZERS!!! Bukod sa pagkakaisa naming magkakaklase ay masaya rin dahil napunta kame sa pangangalaga ng kwelang-kwelang punong tagapayo at ang aming ikalawang magulang sa paaralan na si Ginoong Macial C. Villianueva. Mabait at hindi kakikitaan ng galit ang kanyang mukha kaya siguro kahit na may edad na siya ay hindi parin kakikitaat ng bakas ng katandaad ang kanyang pisikal na kaanyuan. Sa pangkat na ito ko rin nakilala ang aking kasintahan, siya si MARIA WENDY IVY ARGUELLES CALABON. Mahalaga siya sa akin, hindi lamang dahil mahal ko siya kundi dahil siya ang dahilan kung bakit pinaplano kong gumising sa araw-araw. Para rin sa akin ay siya ang nagsisilbing oxygen ng buhay ko, yung tipong pag nawala ikamamatay ko. Labis-labis ang pagmamahal at tiwala ko sa kanya. Kaya sa ano mang oras at sa lahat ng bagay ay pinipilit kong maging mabuti at matututong magpakumbaba sa iba dahil naniniwala ako sa Diyos at alam ko na siya ang magpapatibay ng samahan namin ng aking kapareha. Naniniwala rin akong hindi niya hahayaang mawala sa akin ang taong dahilan kung bakit ako nabubuhay.
Ako nung js namin .. kasama ang aking kasintahan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento